Wednesday, May 4, 2011

SIMULA NG PAGTATAPOS « jiezlanneclaveria

Ngayong araw, Mayo 6 ay ang pagtatapos sa Polytechnic University of the Philippines Sta.Mesa, Manila. Pagtatapos ng mga naging ate, kuya at kaibigan ko, ang paglisan nila sa aming sintang unibersidad at ang pagtahak sa totoong hamon ng buhay. Ang pakikipagsabayan ng talino at galing sa kahit sino. Dumating na din ang pag-ani ng apat o limang taon na pakikipagbuno ng hirap at saya sa eskwelahan.
Masaya ako at nabigyan ako ng pagakkataon na makilala at matuto mula sa inyo.
Ate Gladys, Kuya Jake, Kuya Tolits, Kuya Ram, Ate Diana at Kuya Edison at sa lahat ng magtatapos, isang malaking Congratulations para sa inyo!
At para sa taong nagbibigay sa akin ng inspirasyon, Arnel Culala, ito na ang pinakahihintay mo! Nagbunga ang lahat ng pagsisikap at pagtitiyaga mo. Masaya ako sa tagumpay mong ito. Tandaan mo na kasama mo ako sa lahat ng tatahakin mo. Congratulations!
At sa lahat ng nagsipagtapos, magsisipagtapos, binabati ko kayo! Handog ko sa inyo ang tipak na ito. Simula na ng bagong yugto sa inyong buhay, baunin ninyo ang prinsipyo at karunungan na itinanim ng ating sintang paaralan. Kudos mga Iskolar ng Bayan! Kudos mga PUPIAN!